NOTE: Please watch the video translation of this "open letter to the soldiers" to prove that I am the one who made this letter.
GISING NA DAKILANG PILIPINAS!
17 April 2010
Ang pagkasadlak ng Philippine Air Force sa kahihiyan dulot ng talamak na katiwalian ay hindi natin kagagawan. Ito’y kagagawan ng ating mga magaling na opisyal na walang ibang inisip kundi ang mang-abuso sa kapangyarihan at magpayaman mula sa kaban ng bayan. Yan ang katotohanang nakatatak na sa ating kamulatan bilang sundalo ng Pamahalaan!
Kaya sa kabila ng aking pagtalima at paggalang sa batas upang pagulungin ng tama ang sistema ng ating hustisya militar, mas pinili pa rin ng ating mga lider ng Philippine Air Force na babuyin ang sistemang ito upang ilagay ako sa loob ng kulungan magpakailan man kahit ngayon ako ay isang sibilyan na. Ito’y kanilang ginawa at patuloy na gagawin upang mapigilan akong magsalita laban sa kabulukan at garapalang katiwalian sa hanay ng mga Opisyal ng Philippine Air Force.
Dahil dito napagpasyahan kong iparating sa buong sambayanan ang hindi makataong gawain ng ating mga PAF liders sa pamamagitan ng online postings, print publications at video broadcast sa pag-asang naway makapagbigay liwanag sa puso, damdamin at isipan ng bawat mamamayang Pilipino upang tulungan tayong abutin ang pagbabagong matagal na nating inaasam-asam! Alinsunod na rin sa nasabing hakbangin, sadya kong idudulog sa International Community ang tunay nating kalagayan upang mapilitang bawasan ng bahagya ang pagkaabusado ng ating mga Opisyal na hanggang ngayon ay nagpakamanhid at hindi nagpapahalaga sa pangkalahatang kapakanan ng ating mga Enlisted Personnel!
1. C130 FLIGHTS
Ako po ay naging crew ng maraming taon sa flight operations ng C130 at masakit sa aking damdamin ang makita ang mga kasundaluhang may bitbit na pasalubong para sa pamilya, pagod at nagmamakaawa sa kahit kanino sa amin mga C130 crew makasakay lamang ng C130 para makalibre ng pamasahe pauwi sa kanilang pamilya pagkatapos ng ilang buwang pamamalagi sa kabundukan na malayo sa asawa’t mga anak. Hindi ito dapat mangyari dahil bilang isang sundalo ng Pamahalaan, karapatan natin na bigyan tayo ng sapat at hindi limitadong byahe ng C130 para sa emergency leaves o R&R vacations. Hindi tama na ang byahe ng C130 ay para lamang maghatid ng tropa sa lugar ng may giyera at babalikan na lang kung sila ay bangkay o nakaratay na sa hospital. Isang malaking kasinungalingan na kakulangan sa pondo ang laging dinadahilan kung bakit limitado ang byahe ng C130. Ang katotohanan ay binubulsa lang ang pondo ng bayan ng mga nakaupo sa position na mga PAF Officers. Limitado na nga ang byahe ng C130, mas inuuna pa ng mga Senior Officers na pasakayin ang kanilang mga katulong kaysa sa mga sundalong itinaya ang buhay sa kabundukan.
SOLUSYON: Lingguhan at walang limit na R & R flights ng C130 para sa lahat ng mga sundalo – Army, Marines/Navy, Airforce at CAFGU
2. PAF QUARTERS/PABAHAY
Ang pagbibigay ng desenteng pabahay bawat sundalo (may pamilya man o wala) ay hindi pribelehiyo kundi ito’y isang obligasyon ng pamunuan ng PAF at may karapatan ang bawat sundalo na magreklamo ng mapayapa dahil may nakalaang pondo para rito. Ang problema lang ay hindi ito binigyan ng kaukulan at agarang atensyon kaya karamihan sa ating mga kasamahan pati na sa army at navy ay napilitang mangupahan ng bahay sa loob pa mismo ng ating mga kampo. Sa nasabi ko na, hindi kakulangan sa pondo ang dahilan sa kabulukang ito. Pangungurakot ng mga magaling nating mga Concerned Officers ang tunay na sanhi kung bakit walang matinong quarters ang karamihan ng mga sundalo.
SOLUSYON: Dapat pansamantalang isubsidize ng PAF ang lahat ng housing rentals ng mga sundalong wala pang quarters. Dapat natin itong isulong upang maobliga ang liderato ng PAF na magpatayo agad ng desenteng pabahay para sa mga sundalo at mapilitan silang bawasan ang kanilang pangungurakot.
3. LOAN INSTITUTIONS
Isa ako sa libo-libong mga sundalo na biktima ng mapang-abusong sabwatan ng Loan Institutions at Finance Centers. Sa kabila ng ating paghihirap, patuloy parin tayong hinohostage ng sistemang bulok gaya ng otomatikong pagdeduct ng halaga mula sa ating sahod kahit walang pahintulot sa kinauukulan. Isang aktwal na halimbawa ng abuso ng mga loan institutions ay ang ginawa ng Air Cavalier Credit Cooperative o ACCC kung saan ako ay hinabla sa kasong B.P.22 o sa mas kilalang Bouncing Check Law violation kahit may deduction na ang ACCC sa aking sahod buwan-buwan. Sa mismong paghain ng kaso ng ACCC laban sa akin ay dapat na silang tumigil sa otomatikong pagkolekta ng halaga mula sa aking sahod at antayin na lang dapat ng ACCC ang desisyon ng korte kung magkano ang maging obligasyon ko kung mapatunayan ng hukom na ako nga ay nagkasala sa batas laban sa kanila. Pero dahil sa abusong ginawa ng ACCC, isa lang ang nakita kong motibo at yun ay tanggalan ako ng pagkakataong makalahok sa promotion for Major at mahadlangan sa posibleng schooling or deployment abroad.
Sa kabilang dako naman, ang pag-upo ng mga aktibong opisyal bilang miyembro ng Board of Directors ng mga loan institutions ay isang uri ng “moonlighting.” At dahil sa kanilang position bilang board of Directors at bilang aktibong opisyal, malaya silang gumawa ng mga deductions o iba pang transaksyon kahit walang pahintulot sa kinaukulan gaya ng ginawa ng ACCC na initiatibong binawasan ang aking sahod thru “savings deposit scheme” kahit walang pahintulot sa akin.
ATING SOLUSYON:
a. I-abolish ang Automatic Salary Loan Deduction para matigil na ang abuso ng mga Institutions kasabwat ang Finance Centers. Hayaan natin na ang bawat borrower na sundalo ang maging responsable sa pagbabayad ng kanyang loan obligations.
b. Ipagbawal na ang pag-upo ng mga Active Officers bilang Board of Directors ng mga Commercial Loan Institutions. Sa katotohanan nga ay mayroon pang na demote (without due process) na mga sundalo sa pagtunggali ng dalawang kampo ng Board of Directors ng isang loan institution dito sa Villamor Air Base.
4. RETIREMENT BENEFITS
Karamihan sa mga sundalong nagretiro na ay
nagmamaneho na lamang ng jeepney o tricycle samantalang ang mga nagretirong Senior Officers ay pa golf-golf pa habang nagpapakaligaya sa kanilang “pabaon package” liban pa sa pinagawang mansion ilang buwan bago umalis sa serbisyo.
Pangalawa, ang retirement benefits ng mga nagreretirong sundalo o maski pension benefits ng mga nabyudang asawa ng sundalo ay napilitang ibenta sa mga loan institutions thru “fixers” dahil sa sobrang bagal o sadyang binagalan ng opisinang nagproseso nito. Dapat itong mahinto dahil ang mga sundalo ay hindi paninda na pagkakaperahan lamang ng mga tiwaling Opisyal na nakaupo sa position at ng mga inside operators ng mga Loan Institutions at Finance Centers.
SOLUSYON:
a. Bilisan ang pagproseso ng retirement benefits. Dapat itong ibigay agad sa mismong petsa ng pagretiro ng sundalo.
b. Ihinto na ang “No loan clearance, No retirement benefits” policy dahil financial hostaging ito ng mga loan institutions. Hayaan ang bawat sundalong borrower na kusang magbayad ng kanyang loan obligations pagkatapos makuha ang retirement benefits. Hindi tama na “dawat-limpyo” lang ang mga Commercial Loan Institutions!
5. Ang panglima sa maraming kabulukan ng ating organisasyon ay ang MILITARY JUSTICE SYSTEM
Ang Military Justice System na ito ay anti-Enlisted Personnel lamang dahil konting pagkakamali ng sundalo gaya ng nakatulog habang nakaduty sa post sa sobrang pagod ay agad nadedemote o nadidischarge ng walang “due process”. Samantalang ang mga opisyal lalo na ang mga Senior Ranking Officers na nahuling nagnakaw sa kaban ng bayan ay pilit pang pinagtatakpan. Isang halimbawa rito ay ang pagbebenta ng gasolina ng eroplano at ang mga ghost deliveries ng mga aircraft spare parts pero hanggang ngayon ay walang opisyal ang napaparusahan.
SOLUSYON: Iparating natin sa Kongreso at sa Senado ang pre-war provisions ng Court-Martial Procedures at ng Military Justice System upang ito’y repasuhin na maging angkop sa modernong panahon. Hindi pwede na sundalo lang ang pinaparusahan ng kanyang simpleng pagkakamali samantalang ang ilang mga opisyal ay nagpakasasa sa kaginhawaan sa kabila ng mga katiwaliang ginawa dahil pinagtatakpan ng mga nakaupo sa position.
Mga mahal na kasundaluhan, naintindihan at damang-dama ko; na kayo rin ay kagaya ko nangangarap ng pagbabago sa ating hanay, kapayapaan sa ating lipunan at higit sa lahat kaunlaran sa nag-iisa nating lupang sinilangan.
Ngunit hinding-hindi natin makakamtan ang pagbabago hanggat manatili ang pagkautak pulbura ng ating mga opisyal, kaya ang natatanging paraan, ilathala sa pahayagan ang ilan sa mga kabulukang pwedeng mabago ora mismo kagaya ng mga pagbagsak ng eroplano dahil sa katiwalian. Lagi nating tandaan, Army ka man, Airforce o Navy, mahirap na sibilyan o mayamang negosyante, na ang bawat eroplano ng Philippine Air Force na babagsak ay dagdag pasanin iyon sa naghihikahos nating lipunan.
Kaya kung nais nyong tumulong sa ngalan ng pagbabago, maaari kayong magbigay ng konting donasyon sa aking “open for public” bank account para mailathala natin sa pahayagan ang mga artikulo1ng dapat malaman ng sambayanang uhaw sa pagbabago!
Hinihikayat ko rin kayong magpadala ng mga litrato o videos ng katiwalian sa aking website http://www.captainpogoy.com/
GUMISING KA, DAKILANG PILIPINAS!
Gumagalang,
CPT JOENEL S. POGOY PAF
LANDBANK ACCOUNT
JOENEL S. POGOY
3567-0009-73
Villamor Branch
FOR WESTERN UNION
MLUILLER PADALA
CEBUANA LUILLER PADALA
Please send to
MARIA CRISANTA V. POGOY
BAGUIO BRANCH
0916-7777-206
GLOBE G-CASH
AMOUNT 4-digit-PIN
Send to
28829167777206