Anong Law School ba ang nagtuturo na ang taong pinagbintangang pumatay ay lilitisin sa kasong jaywalking at parusahan din lang sa kasalanang pagpatay?
Ito ang tunay na sitwasyon ni LTCOL ARTURO PALMA APUD na pinsan ni SENADOR MIRIAM PALMA DEFENSOR-SANTIAGO kung saan linitis sya ng PAF Court-Martial sa kasong paglabag ng Article of War (AW) 96 (Conduct Unbecoming an Officer & Gentleman) at AW97 (Prejudicial to Good Order & Military Discipline) sa halip na AW93 (Murder) o AW94 (Various Crimes) hinggil sa pagkamatay ng nag-amok nyang tauhan doon sa kanilang detachment sa Sumisip, Basilan halos tatlong taon na ang nakalipas. Kamakailan lang ay hinatulan sya ng anim (6) na taong PAGKABILANGGO SA NATIONAL BILIBID PRISON at pagkatanggal sa serbisyo kasama na ang pag-alis ng kanyang “retirement benefits”. Ang desisyong ito ay garapalang pambabastos sa sistema ng hustisya ng ating bansa dahil ang Court-Martial ay isang administrative court lamang! Kaya ang kasong AW96 & AW97 ay simpleng administratibo lamang. Hindi ito katumbas ng kasong murder o kaya homicide.
Malinaw ang kautusan ng ating Saligang Batas at nakapaloob sa Republic Act (RA) 7055 o sa mas kilalang Civilian Supremacy Law na walang hurisdiksyon ang Court-Martial na maglitis ng kasong kriminal dahil sakop na ito sa hurisdiksyon ng mataas na korte ng sibilyan (Civilian Trial Court). Kaya sa kaso ni LTCOL APUD, ang Basilan Municipal Trial Court ang DAPAT na maglitis sa kanya sa aspetong kriminal dahil doon naganap ang barilan. Ang natatanging obligasyon ng Court-Martial bilang administrative court ay alamin “beyond reasonable doubt” kung karapat-dapat pa bang manatili sa serbisyo si LTCOL APUD o hindi na nang mapatay nito ang nag-hurimentado nyang tauhan. Pangalawa, obligasyon ng pamunuan ng PAF ang maghain ng kasong kriminal laban sa nasabing opisyal doon sa Basilan Trial Court kung nakita nila na posibleng may kriminal na pananagutan (probable cause) si LTCOL APUD. Kaya ang hindi paghain ng PAF ng kasong kriminal ay isang MATIBAY NA PAG-AMIN AT PAGPAPATUNAY na walang kriminal na pananagutan si LTCOL APUD.
Sa madaling salita at simpleng pananaw, lumalabas na inakusahan si LTCOL APUD ng pagpatay subalit linitis lamang ito sa kasong “jaywalking” pero pinatawan din ng parusang naaayon sa kasalanang pagpatay! Tama ba ito? Ganito ba talaga ang “pinoy style justice”? Hindi ba ito garapalang pambababoy sa sistema ng hustisya ng bansa at tahasang pagyurak sa karapatan ng kahit sinong akusado na LITISIN DAPAT ayon sa tamang kaso? Hindi ba isang malaking kahihiyan hindi lamang sa Philippine Air Force kundi pati na sa hanay ng hudikatura, mga abogado at law schools ang ginawa ng mga magagaling na abogado na umupo bilang hukom ng PAF Court-Martial na magpataw ng parusang kriminal sa kasong administratibo lamang? Hindi ba isang malaking kahihiyan sa uniporme ng PAF ang ginawa ng mga matatalinong Opisyal ng PAF bilang kagalang-galang na hukom ng Court-Martial na magpataw ng parusang kriminal gayong alam naman nilang hindi ito sakop sa kanilang kapangyarihan?
Sa nasabi ko na, ang layunin ng Court-Martial ay walisin sa serbisyo ang sinumang militar na mapatunayang hindi na karapat-dapat manatili sa sandatahang lakas liban sa mga Opisyal nito dahil kailangan muna ang pag-apruba o lagda ng Pangulo ng Pilipinas bago maipatupad ang “dismissal order”. Ibig sabihin, ang desisyon ng PAF Court-Martial (na isang rekomendasyon lang) laban kay LTCOL APUD ay wala pang bisa dahil hindi pa ito linagdaan ni Pangulong Aquino. Ngunit dahil din mismo sa batas na nagsasabi na ganap ng nagretiro ang sinumang militar pagdating ng edad na 56 kaya nararapat lamang na pakawalan na sa stockade si LTCOL APUD at ibigay din ang kanyang mga retirement benefits lalo na ang leave balances dahil nakamit na ang layunin ng Court-Martial na alisin sa Active Service si LTCOL APUD nang ito’y ganap ng pinagretiro ng batas. Uulitin ko, ang kaso ni LTCOL APUD ay pagpatay umano kaya exklusibo itong nasa kamay ng Basilan Trial Court. Ang korteng ito ang syang magpasya kung dapat ba syang alisan ng retirement benefits at ikulong sa National Bilibid Prison kung mapatunayan ng nasabing korte na sya nga ay nagkasala sa batas. Magiging double jeopardy o injustice ang kalabasan kung ipilit ng PAF na ikulong sa National Bilibid Prison at alisan ng benepisyo gayong wala naman syang nagawang kasalanan sa PAF at lalo na kung mapatunayan ng Basilan Trial Court na wala naman pala syang kasalanan o kriminal na pananagutan sa pagkamatay ng nag-amok nyang tauhan.
Alam ng PAF at inamin pa mismo ni LTCOL OKOL (Spokesperson ng PAF) na ang Court-Martial ay pawang kasong administratibo lamang ang hahawakan nang interbyuhin ito ni Ginoong Ramon Tulfo sa kanyang “Isumbong mo kay Tulfo” program ng Radyo Inquirer noong Sept 24, 2010. Ibig sabihin, alam ng PAF na mali ang kanilang ginagawa kaya dapat lang na magkusa ang PAF na ituwid ang kanilang pagkakamali at sundin ang tuwid na daan ng tamang hustisya at batas. Ang ginawa ng PAF ay maihalintulad natin sa isang tao na naglagay ng sarili nyang dumi sa kanyang kamay at pumunta sa konseho ng barangay para itanong kung dumi ba talaga ng tao ang nakapatong sa kanyang kamay! Sa madaling salita, hindi na kailangang pumunta pa ni LTCOL APUD sa Court-of-Appeals (CA) para lang tanungin ang CA kung mali ba ang ginawa ng PAF dahil mulat sapol ay alam na ng PAF na mali sila. Ang paghain ng anumang mosyon o reklamo sa CA ay nagdagdag lamang ito ng walang kwentang trabaho sa CA at para na ring pinapayagan natin na gumawa at gumawa ng mali ang PAF at ang CA na ang mag-ayos ng kanilang pagkakamali. Ang tamang gawin ng PAF para maituwid ang kanilang pagkakamali ay palayain agad si LTCOL APUD, ibigay ang kanyang mga benepisyo at hayaan natin na gugulong ang tamang hustisya (kasama na ang kanyang karapatang makapagpyansa) na exklusibo itong nasa balikat lamang ng Basilan Trial Court dahil yan ang tama at tuwid na daan!
Anong pakialam ng Pilipinas sa personal na problema ni LTCOL APUD?
Malaki po! Maniwala kayo o hindi, ang kaso ni LTCOL APUD ay hindi simpleng personal na problema lamang. Ito’y isang usaping panlipunan dahil larawan ito ng totoo, malawak at malalim na kabulukan sa sistema ng hustisya militar. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang kabulukan ng sistemang ito (kawalan at hindi pantay na hustisya) ay isa sa mga pangunahing ugat ng pagkadismaya sa serbisyo ng ating mga kawal at kawalan ng pag-asa sa baluktot na kalakaran ng sandatahang lakas ng Pilipinas. Katulad ito ng kumukulong dugo at nag-aapoy na damdamin na sa isang hudyat ay pwedeng samantalahin ng mga oportunistang pulitiko tungo sa makasariling adhikain ng pag-aaklas o kudeta. Kapag ang pulitikal na pagmani-obra sa ating mga kasundaluhan ay magtagumpay gawa ng nasabing nag-aalab na sentimento at hinaing, mag-aantay na lamang ang pwersa ng pang-aagaw ng kapangyarihan ng tamang pagkakataon gaya ng matinding iskandalo sa buhay pulitika ng bansa bago ilunsad ang aktwal na kudeta, madugo man o hindi. Ngayon kung ang kudeta ay nailunsad na kahit sabihin pa nating hindi ito buong nagtagumpay, sino ba ang mas higit na magdusa? Hindi ba taumbayan o ordinaryong mamamayan dahil siguradong babagsak ang ekonomiya ng bansa pagkatapos ng kudeta? Kung sakali namang magtagumpay ang kudeta, sino pa rin ang mas higit na magdusa? Hindi ba taumbayan o ordinaryong mamamayan din lang dahil malaya nang pagpipistahan ng mga sugapa na mga Opisyal ng militar ang pera ng bayan? Dapat nating ilagay sa ating isipan na ang kasalukuyan at nakakahiyang kalagayan ng PAF bunsod ng walang humpay na nakawan ay isang MATIBAY NA SUKATAN kung paano tatakbo ang gobyerno ng bansa sa ilalim ng military junta. Nanaisin pa ba natin na muling iiral ang Martial Law o military junta? Gusto pa ba natin na dumanas ulit ng isang madugong kudeta?
Sa kabilang dako naman, maari din na ang sentimento ng pagkadismaya at kawalan ng pag-asa ay mananatiling pang-indibidwal lamang sa ating mga kasundaluhan at hindi ito humantong sa pagbuo ng pwersang pangkudeta. Pero, masisisi ba natin ang isa sa mga nag-alborotong kawal kung magpasya na lamang ito na manghostage para lang mapakinggan ang kanyang kinikimkim na hinaing at poot sa kawalan ng hustisya sa AFP/PNP at kawalan ng pag-asa sa kanyang buhay? Sino nga ba ang nagdusa sa pagkasira ng turismo ng bansa at sa kahihiyang idinulot ng hostage-taking kamakailan lang? Hindi ba tayong lahat ang naapektuhan dahil DIGNIDAD NG ATING PAGKA-PILIPINO ang ginawang pulutan ng sanlibutan? Sapat na ba ang matinding pagkondena sa taong gumawa ng krimen upang maalis agad ang pinsalang natamo ng ating lipunan dahil sa pangyayaring yaon?
Kaya kung nais talaga natin mahinto ang pagsulpot ng kudeta, hostage-taking at iba pa, nararapat lamang na magkaisa na tayo! Magkaisa hindi sa pananahimik at sa pagsawalang-bahala sa nangyayari sa ating lipunan kundi pagkakaisa sa pagiging mapagmatyag laban sa abuso-militar, karahasan at korapsyon sa pamahalaan. Kasama na riyan ang agarang paglutas sa mga problemang pinag-ugatan ng pagkadismaya ng ating kasundaluhan at kawalan ng pag-asa sa buong pwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Kaugnay nito, nais kong patunayan sa buong sambayanan na ang kaso ni LTCOL APUD ay totoong larawan ng kabulukan ng sistema ng hustisya militar dahil kasalukuyan ding nakapiit si A2C Roger Albona doon sa National Bilibid Prison pagkatapos syang patawan ng PAF Court-Martial ng parusang anim na taong pagkabilanggo dahil sa kasong administratibo lamang. Uulitin ko, ang Court-Martial ay pawang kasong administratibo lamang ang dapat na hahawakan dahil wala na itong hurisdiksyon na maglitis ng kasong kriminal. Ngayon, bakit garapalan itong nagbaba ng parusang pagkabilanggo sa National Bilibid Prison kina A2C Albona, LTCOL APUD at iba pa? Kaya maliwanag na hindi hustisya ng batas ang tunay na pinapairal sa sistemang militar kundi isang UTAK PULBURANG HUSTISYA! Sa puntong ito, responsibilidad at obligasyon ng PAF na i-recall si A2C Albona at palayain si LTCOL APUD para maituwid nila ang kanilang pagkakamali. Sa kabilang dako naman dapat na ring palayain si CPT DANTE LANGKIT dahil ganap na itong nagbitiw sa serbisyo.
Ayon naman sa legal na pananaw, kung kaya ng PAF na ikulong sina A2C Albona, LTCOL APUD, CPT POGOY at iba pa sa ngalan ng batas at hustisya, bakit hindi kaya ng parehong sistema ng batas at hustisya na ipakulong si ADMIRAL ANGUE gayong SADYA nitong linabag ang AW63 (Disrespect towards the President of the Philippines), AW 64 (Disrespect to Superior Officer), AW96 (Conduct Unbecoming an Officer & Gentleman) at AW97 (Conduct Prejudicial to Good Order & Military Discipline)? Hustisya ba ang tawag kung ang nasabing Articles of War ng militar ay pinapatupad lamang laban sa mga ordinaryong kasundaluhan at hindi sa mga heneral? Hindi po yan hustisya, ang tawag diyan ay KALOKOHANG HUSTISYA!
Gustohin man natin o hindi, ang hindi pagkulong kay ADMIRAL ANGUE ay higit pa sa isyu ng “kawalan ng hustisya”. Ito’y usaping political dahil kung ipilit ni Pangulong Noy na ipasok sa kulungan ang nasabing heneral ay maaari itong magsindi ng panibagong banta ng kudeta bunga ng demoralisasyon sa hanay ng mga Senior Officers. Paano pa magtagumpay si Pangulong Aquino sa kanyang panawagang “Tuwid na Daan” kung ang simpleng pagpapatupad pa lamang ng pantay at tamang sistema ng hustisya militar ay pwede nang sirain ang pundasyon ng kanyang administrasyon? Hindi pa natin pinag-usapan dito ang talamak na katiwalian sa AFP gaya ng iregularidad sa pagrepair ng C130 #4593 sa Asean Aerospace na ang umanoy P100 Million contract price ay naging P300 Million pagkatapos ng proyekto. C130 #4593 pa lang yan! Ibang anomalya pa ang C130 #4726. Hindi pa natin binalangkas dito ang iregularidad ng Finance Centers kasabwat ang Loan Institutions. Hindi pa natin tinalakay ang pagbagsak ng Nomad 53 dahil binenta ng dalawang piloto nito ang gasolina sa halip na i-gas up sa eroplano. Hindi pa natin inurirat ang anomalya ng pagpagawa ng milyon-milyong halaga ng mga gusali sa madaming PAF Bases na hindi tinapos at inabandona lang. Lahat ng ito ay pilit na itinatago ng PAF kaya yun ang dahilan kung bakit gusto ng PAF na manatili ako sa kulungan para mailayo sa media.
Hindi pa ba natin maintindihan kung bakit kaliwa’t kanan na ang ibinubulgar sa mga ahensya ng gobyerno na walang kakayahang mag kudeta samantalang ang talamak na katiwalian sa AFP at PNP ay tila pinagkipit balikat lang? Paano na lang kung idagdag pa sa iskandalong pulitikal ang maging pasya ng Pangulo na palayain ang tinatawag nating Leftist Political Prisoners na tiyak tututulan ito ng mga militar gaya nang nangyaring kudeta sa panahon ni Pangulong Cory Aquino? Sa madaling salita, tinatahak ni Pangulong Noy ang daang puno ng bubog at pako kaya kailangan nya ang ating tulong at pagkakaisa laban sa katiwalian. Obligasyon nating makilahok sa gawaing pambayan sa pamamagitan ng pagbulatlat ng mga anomalya sa sandatahang lakas at walang tigil na pagtutok sa bawat hakbang na gagawin hanggang maipatupad ang repormang dapat ipatupad.
Kaya sa puntong ito, nananawagan ako sa lahat ng mga kongresista at mga senador lalung-lalo na sa pinsan ni LTCOL APUD na si SENADOR MIRIAM SANTIAGO na imbestigahan ang baluktot na kalakaran ng military justice system upang ito’y mahinto at maituwid. Dapat itong repasuhin para maging epektibo at angkop sa modernong panahon. Hindi tama na ang mga ordinaryong kasundaluhan lamang ang pinaparusahan ng bulok na sistemang militar samantalang ang mga kurakot at tiwaling mga Senior Officers ay hindi pinaparusahan.
Back